Pitong taon at limang buwan sa NZ at isang taon at 3 buwan naman dito sa AU...kahit na ganyan na kami katagal naninirahan sa ibang bansa, hindi ko pa rin maintindihan ang pananalita ng mga Kiwis at mga Australyano :).
May isang beses na kausap ako ni bossing, kahit isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan. Kaya habang siya ay salita ng salita, ako naman e pangiti-ngti lang. Kundi niya binagalan ang pagsa-salita at sabihin na "I am asking you a question?" 'di ko pa malalaman na tinatanong na pala niya ako...hehehe...buti na lang understanding si amo...
Kakaiba ang pag-bigkas ng mga puti dito. May diin kung sabihin ang letrang 'e' at 'i' at laging nawawala si 'r'. May tv show na pambata sa NZ na ang pamagat ay 'Bumble Bee and Friends', sa isang episode nito, sabi ni Bumble "Today, I am going to write a letter", ang buong parinig ko e, susulat siya kay Alita. Kaya tanong ko sa mga bata "Sino si Alita?". Buti na lang din magaling mag-explain ang aking mga anak...hehehe...
Hindi ko rin makakalimutan ang unang taon sa eskuwelahan ng aking panganay. Pinaiis-spell ko sa kanya ang 'hen' at sa tuwing sasabihin niya sa akin ang sagot, lagi itong 'hand'. Nainis na ako kasi 3 letra lang ang 'hen' 'di pa niya ma-spell! Tinawag ko ang aking babae, at pina-bigkas ito sa kanya. Naku po, ako pala ang may mali, dapat pala ang pagbigkas ko dito ay 'hin'.
Mga tao dito mahilig din gumamit ng mga salitang awesome, fabulous, wonderful, lovely. May mga expressions din sila na ginagamit tulad ng 'cool bananas' at 'rodeo'. At ang 'how are you' sa kanila ay 'howdy'. At ang mga matatanda dito (at kahit sa NZ), kahit di ka kakilala, ang itatawag sa iyo e 'love'...very sweet 'di ba? ;)